Japan binalaan ng Tsina sa pakikipagsanib-pwersa sa US

Japan binalaan ng Tsina sa pakikipagsanib-pwersa sa US

May 19, 2022 @ 12:37 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binatikos ng Beijing ang kamakailan lamang na komento ng Japan sa Taiwan, at binalaan ito na huwag makipag-sanib puwersa sa Estados Unidos para harapin ang China.

Ang pahayag na ito ni Foreign Minister Wang Yi ay panawagan na rin sa kanyang Japanese counterpart na si Yoshimasa Hayashi, dalawang araw bago magsimulang bisitahin ni US President Joe Biden ang East Asia para itulak ang kanyang Indo-Pacific strategy.

Sinabi ni Wang na ang Japan ang magho-host ng Quad summit kasama ang Australia at India sa ginawang pagbisita ni Biden, ayon sa readout mula sa Chinese foreign ministry, at nagpahayag na : “What is of concern and puts people on alert is that even before the US leader embarked on his trip, the view that Japan and the United States were joining hands to confront China was already rampant.”

Dahil dito, hinikayat ni Wang ang Japan na isipin ang regional peace at stability at “act prudently” at binalaan laban sa komprontasyon lalo na’t kapag nasaktan ang “sovereignty, security and development interests” ng China.

Sinabi rin niya na ang Japan ay dapat “eliminate interfering factors in a timely manner”, lalo na kaugnay sa Taiwan – kung saan sinabi ng Beijing na bahagi ng kanilang sariling teritoryo.

“Japan’s negative movements on Taiwan and other issues involving China’s core interests and major concerns have become prominent recently,” ayon sa ministro sabay sabing “smears and attacks” ng ilang Japanese politicians ay seryosong nagpapahina sa mutual trust.

Partikular na ikinagalit ng Beijing ay ang naging komento ni dating prime minister Shinzo Abe na “Japan and the United States could not stand by if China attacked Taiwan”.

Samantala, nakatakda namang pagtibayin nina Prime Minister Fumio Kishida at Biden sa kanilang joint statement ang palakasin ang kooperasyon ukol sa katatagan sa Taiwan Strait, ang naging pahayag ng Japanese government sources sa Kyodo news agency, araw ng Martes.

Sa ulat, inaasahan na ia-anunsyo ni Kishida ang magiging partisipasyon ng Japan sa US-led Indo-Pacific Economic Framework – “an initiative seen as a statement of Washington’s intent to boost its involvement in the region in the face of China’s growing clout.”

Sa naging pagtawag ni Wang, umabot ng 70 minuto, binigyang-diin ni Hayashi ang kahalagahan ng “peace and stability” sa Taiwan Strait, at nagpahayag ng “serious concern” ukol sa situwasyon sa East at South China Seas, ayon pa rin sa readout ng Japanese foreign ministry.

“China is embroiled in a series of territorial disputes in those waters, including with Japan over the Diaoyu, or Senkaku, islands,” ayon sa ulat.

Sinabi ni Wang na dapat na magsagawa ang dalawang bansa ng “positive interactions”, at magplano ng aktibidad para sa 50th anniversary ng normalisasyon ng diplomatic relations.

Nanawagan din si Wang ng pagtutulungan sa larangan ng “digital economy, green and low-carbon development” at climate change governance.

Kaugnay naman sa situwasyon sa Ukraine, hindi naman ito nabanggit sa China’s readout,

Dahil ito, nanawagan si Hayashi sa China na “play a responsible role” para mapanatili ang international peace and security.

Samantala, hindi pa rin kinokondena ng China ang ginawang pagsalakay ng Russia sa Ukraine, at iniulat ng Koyodo na sasabihin ni Kishida kay Biden nalabis na nag-aalala ang Japan sa “what is happening in Ukraine could occur in East Asia as well”. Kris Jose