Japan, haharangin ang mga foreign visitor na may unpaid medical bills

Japan, haharangin ang mga foreign visitor na may unpaid medical bills

June 15, 2018 @ 1:35 PM 4 years ago


Japan – Inanunsyo ng gobyerno ng Japan na hindi na nila papayagang makapasok ng kanilang bansa ang mga foreign travelers na may unpaid medical bills dahil sa malaking bilang ng mga paparating na foreign visitors para makiisa sa Tokyo 2020 Olympics and Paralympics.

Sasailalim sa screening ang mga foreign visitors base sa mga impormasyong na ibibigay ng Health, Labor and Welfare Ministry to the Justice Ministry kung saan ang lahat nang makikitan ng record ng unpaid bills ay hindi papayagan makapasok ng bansa.

Ayon sa datos na nakalap ng health ministry, 80% ng medical institution sa Japan ang nagpagamot sa foreign patient sa fiscal noong 2015 pero 35% sa kanila ang hindi nakapagbayad ng bills.

Ang iba pang mga measures tungkol dito ay pagkakasunduan pa ng dalawang ministries ng Japan bago ito ipasa sa fiscal sa susunod na taon.

Kabilang sa mga measures na tinitignan nila ay ang pagbuo ng council sa bawat munisipalidad upang magkapagbahagi ng impormasyon sa mga awtoridad, pagpapatayo ng medical institution at tourism businesses upang makapagbigay ng mas maayos na medical services para sa mga foreigners sa oras ng emergency.

Bukod pa rito gusto rin nilang hikayatin ang mga foreign visitors na mag-enroll ng travel insurance bago pa man sila pumunta ng Japan.

Ang gobyerno ng Japan ay umaasang magkapagtala ng nasa 40 million foreign visitor sa 2020 habang 60 million naman sa 2013. (Remate News Team)