Japan handang tumulong sa Pinas sa pinsala ni ‘Paeng’

Japan handang tumulong sa Pinas sa pinsala ni ‘Paeng’

November 1, 2022 @ 1:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Japan na handa itong tumulong sa Pilipinas na labis na napinsala ni Severe Tropical Storm Paeng.

Ipinaabot ni Japan Foreign Affairs Minister Hayashi Yoshimasa ang kanyang pakikiramay sa Pilipinas.

“The Government of Japan stands with the government of the Philippines and its people, and is ready to provide the maximum possible assistance to the Philippines.

“My deepest condolences are with the victims and the bereaved, and I sincerely pray for the speedy recovery of the affected people as well as the prompt restoration on the affected areas,” sabi ni Yoshimasa kay Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nitong Lunes.

Batay sa datos, umabot na sa 110 ang death toll kay bagyong Paeng.

Umabot naman sa 63 indibidwal ang nasugatan kay Paeng habang 23 ang nawawala.

Samantala, pumalo na sa P1.2 bilyon ang pinsala sa agrikultura at P760 milyon naman sa imprastraktura.

Lumabas si Paeng ng Philippine Area of Responsibility nitong Lunes ng tanghalo. RNT/SA