Japan magbibigay ng emergency relief aid sa mga lugar na apektado ng lindol

Japan magbibigay ng emergency relief aid sa mga lugar na apektado ng lindol

July 30, 2022 @ 2:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magbibigay ang pamahalaan ng Japan ng emergency relief goods upang makatulong sa mga lugar na apektado ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon, ayon sa Embassy of Japan in the Philippines.

Inihayag ng embahada na magbibigay ito ng emergency relief goods kagaya ng generators, portable jerry cans, tents, sleeping pads, at plastic sheets sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

“In light of the humanitarian perspective and the close relations between Japan and the Republic of the Philippines, Japan has decided to provide emergency assistance to the Philippines to support people affected by the earthquake,” pahayag nito.

“Japan will continue to carry out assistance towards the earliest possible reconstruction of the affected area while taking into account the needs of the Philippines,” dagdag ng embahada.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes na umakyat na sa sampu ang binawian ng buhay sa nagdaang kalamidad. RNT/SA