Japan muling binuksan sa mga turista

Japan muling binuksan sa mga turista

October 11, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


TOKYO- Muling binuksan ang Japan para sa mga turista nitong Martes matapos ang dalawa’t kalahating taon ng mahigpit na COVID restrictions, sa pag-asa ng mga opisyal na muling palalakasin ng pagdagsa ng mga turista ang ekonomiya.

Pagsapit pa lamang ng kalagitnaan ng umaga, nagdadatingan na ang mga turista mula sa BIsrael, France at Britain.

Ikinandado ang Japan mula nang magkaroon ng pandemya, at kamakailan lamang muling maingat na nagbubukas ng mga hangganan nito sa mga turista.

Mula ngayong Martes, muling ikinasa ang visa-free entry para sa travelers mula sa 68 bansa at teritoryo.

Inalis na rin ng Japan ang cap sa bilang ng mga indibidwal at kinalos na ang package tour requirement.

Subalit, nananatili pa rin ang ibang alituntunin, kung saan required na ipakita ng mga turista ang proof of vaccination o negative coronavirus test na isinagawa tatlong araw bago ang departure.

Bago magkaroon ng COVID, target ng pamahalaan ng Japan na tumanggap ng 40 milyong bisita sa 2020, ang taon na nakatakda sanang ganapin sa Tokyo ang Summer Olympics.

Bumisita sa Japan ang 31.9 milyong foreign visitors noong 2019, subalit bumulusok sa 250,000 noong 2021. RNT/SA