Japan nagpaabot ng P663M tulong sa Odette-hit areas

Japan nagpaabot ng P663M tulong sa Odette-hit areas

January 14, 2022 @ 7:30 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Japan nitong Biyernes na naihanda na nito ang $13 milyon o P663 milyong relief funds bilang tulong sa mga komunidad na hinagupit ng bagyong Odette noong isang taon.

Inihayag  ng Japanese Embassy sa Maynila na makatutulong ang naturang pondo sa humanitarian assistance activities sa mga lugar na apektado ng nagdaang bagyo.

“Being a friend closer than a brother, Japan is fully committed to supporting the Philippine Government and its people in this time of great need,” patuloy nito.

Nauna nang nagpahatid ng Japanese government sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), ng emergency assistance packs, generators, sleeping mattresses, sleeping pads, at dome tents sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa bansa.

Umakyat na sa 407 ang naiulat na nasawi sa bagyo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes. RNT/SA