Japan niyanig ng M7.3 lindol; milyong tahanan nawalan ng kuryente

Japan niyanig ng M7.3 lindol; milyong tahanan nawalan ng kuryente

March 17, 2022 @ 6:30 AM 4 months ago


TOKYO – Niyanig ang bansang Japan ng napakalakas na lindol na may sukat na magnitude 7.3 na ikinaputol ng kuryente para sa halos isang milyong mamamayan.

Naganap ang lindol 57 kilometro lamang mula sa nilindol na Fukushima nuclear plant na ikinamatay ng 18,000 katao mula sa nagibang mga gusali at malaking tsunami na may taas na 38 metro at pumasok nang malalim sa mga kabahayan.

Habang sinusulat ito, wala pang nababalitaang nasawi at mabilis na kumikilos ang mga awtoridad sa pagbibigay-babala na maaaring magkaroon ng tsunami na aabot sa isang metro ang taas, ayon kay Prime Minister Fumio Kishida.

Naganap ang lindol sa karagatan at sa lalim na 60 kilometro. RNT