Japan oil removal, control experts tutulak sa Pinas ngayong Biyernes

Japan oil removal, control experts tutulak sa Pinas ngayong Biyernes

March 10, 2023 @ 8:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tutulak ang team ng Japanese oil removal at control experts tna tutulong sa bansa sa oil spill cleanup sa Oriental Mindoro patungong Pilipinas ngayong Biyernes, ayon sa Japanese Embassy nitong Huwebes.

Base sa Embassy, bubuuin ang eight-man Japan Disaster Relief (JDR) Expert Team ng mga miyembro ng Japan Coast Guard (JCG), Japan International Cooperation Agency, at ng Embassy of Japan in the Philippines.

Tutulong sila sa Philippine authorities sa pagsasagawa ng disaster surveys at mangangasiwa sa kasalukuyang pag-alis at pagkontrol sa oil leak mula sa lumubog na motor tanker sa Naujan, Oriental Mindoro.

ā€œWhile the Philippine Coast Guard, which received support for capacity enhancement from the JCG, is principally leading response activities of oil removal and control, the Philippine Government has made a request to the Government of Japan to dispatch experts who can supervise the activities,ā€ anang Embassy sa press statement.

ā€œJapan, in light of its amicable relations with the Philippines, has made the decision to dispatch the JDR Expert Team to the Philippines on humanitarian grounds and for marine environment conservation. Japan hopes that this assistance contributes to the prevention of further marine contamination and to the restoration of the marine environment, and intends to continue working closely with the Philippines,ā€ dagdag nito.

Una nang inanunsyo ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa nitong Miyerkules ng gabi na magpapadala ang kanyang bansa ngĀ  JDR team sa Pilipinas para sa oil leak cleanup.

Karga ng motor tanker Princess Empress ang 800,000 litro ng industrial fuel oil nang lumubog ito dahil sa malakas na alon noong February 28. Ligtas ang 20 sakay nito.

Nauna nang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigit 2,000 ektarya ng coral reefs, mangroves, at seagrass ang posibleng maapektuhan ng oil spill. Pumalya rin ang water samples mula sa Oriental Mindoro sa water quality test. RNT/SA