Japan pinasok na rin ng monkeypox!

Japan pinasok na rin ng monkeypox!

July 26, 2022 @ 9:27 AM 4 weeks ago


TOKYO — Natukoy ng Japan ang unang kaso ng monkeypox virus sa Tokyo, sinabi ng gobernador ng kabisera noong Lunes.

Kinilala ang nahawaang indibidwal na isang lalaki, na nasa kanyang 30s na bumalik mula sa Europa at kasalukuyang nasa isang ospital, sinabi ni Yuriko Koike sa mga mamamahayag.

“Siya ay may pantal, lagnat, sakit ng ulo at nakaramadam ng pagkapagod. Ngunit sa ngayon, siya ay nasa stable na kondisyon na,” sinabi ng isang opisyal ng Health Ministry sa isang hiwalay na media briefing.

Ang pasyente, isang residente ng Tokyo, ay nagpunta sa Europe noong huling bahagi ng nakaraang buwan at nakipag-ugnayan sa isang tao na kalaunan ay nakumpirmang positibo sa monkeypox bago bumalik sa Japan noong kalagitnaan ng Hulyo, sinabi ng opisyal.

Hindi idinetalye ng opisyal ang uri ng pakikipag-ugnayan at tumanggi na tukuyin ang nasyonalidad ng residente ng Tokyo.

Sinabi ng World Health Organization noong Sabado na ang mabilis na pagkalat ng monkeypox outbreak ay kumakatawan sa isang global health emergency.

Sa ngayon, sa taong ito mayroong higit sa 16,000 kaso ng monkeypox sa higit sa 75 mga bansa, at limang pagkamatay sa Africa.

Noong nakaraang linggo, kinumpirma ng Thailand ang unang impeksyon ng monkeypox, sa isang lalaki na tumakas sa Cambodia, kung saan siya naospital.

Ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnay at may posibilidad na magdulot ng mga sintomas tulad ng trangkaso at mga sugat sa balat na puno ng nana. RNT