Japan trip ni PBBM, meeting sa mga negosyante nagbunga – DTI

Japan trip ni PBBM, meeting sa mga negosyante nagbunga – DTI

February 19, 2023 @ 12:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Department of Trade and Industry (DTI) na naging produktibo at nagbunga ang naging pagpupulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga negosyante sa Japan.

Sa katunayan, may ilan na rito ang nag-materialized.

Sinabi ni Vichael Angelo Roaring, OIC ng  Foreign Trade Service Corps ng DTI na nakipag-usap na ang mga  Filipino business delegates sa kanilang  potential counterparts sa Japan.

Sinabi ni Roaring na base sa ulat,  sinabi ng Foreign Buyers Association of the Philippines (FOBAP) na nagawa nilang makakuha ng $6.48 milyong halaga ng  order mula sa Japan para sa kanilang  manufacturing.

“In the coming days, hindi lang natin pagtutuunan ng pansin iyong investment figures kasi marami pa po tayong mabubuo na trade, iyong pagninegosyo na nangyari during the visit,” ayon kay Raoaring.

“Ang magiging role po ng DTI is to facilitate all of these leads generated whether they are on the investment side or on the trade side,” dagdag na wika nito sabay sabing “Malinaw po ang instruction po iyong instruction ng Presidente – he wants an all-of-government approach in addressing the pain points – iyong ano ba iyong challenges ng mga namumuhunan sa Pilipinas.”

Tinatayang may  560 meeting requests mula sa Japanese side.

At nang tanungin kung ang investments ay makaaapekto sa kamakailan lang ng  geopolitical tensions, sinabi ni Roaring na ang mga ito ay  “founded on actual feasibility and profitability.”

“They wouldn’t approach us and think of setting up in the Philippines if there weren’t the opportunity,” anito tinukoy ang Chinese investors.

“We cannot fully say na 100 percent immune iyong mga projects that were presented to the President. But then again, these are the result of actual studies and economic opportunities,” aniya pa rin.

“So before, even with all these geopolitical tension, we would see that Chinese investments and trade with the Philippines went on amidst the so-called tension,” lahad ni Roaring. Kris Jose