Japanese imperial family sinalakay ng COVID

Japanese imperial family sinalakay ng COVID

February 10, 2022 @ 11:45 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Maging ang Japanese imperial family ay inatake na rin ng COVID-19 matapos kumpirmahin ang unang kaso matapos na maospital ang 38-anyos na prinsesa.

Si Princess Yoko, ang nakababatang anak na babae ng yumaong Prinsipe Tomohito ng Mikasa, at pinsan ni dating Emperor Akihito, ay nakaramdam ng pananakit ng lalamunan noong Lunes at nagpositibo sa virus noong Martes, ayon sa anunsyo ng Imperial Household Agency.

Siya ay na-admit sa isang ospital sa loob ng Imperial Palace.

Ang kanyang kapatid na si Princess Akiko, 40, ay isinailalim din sa COVID test matapos na maging close contact, dagdag pa ng ahensya.

Hindi umano dumalo si Princess Yoko sa kahit anong pagtitipon na may kinalaman sa pagkain at inumin kamakailan.

Hanggang sa ngayon, hindi pa batid kung saan nagmula ang impeksyon, ngunit isa siya sa mga kalahok sa isang seremonya upang gunitain ang isang yumaong emperador sa palasyo noong Enero 30, dagdag pa ng ahensya.

Maswerte namang walang nagka-COVID sa mga tauhan ng prinsesa.

Si Princess Yoko ay ang namumuno sa Tokyo-based social welfare corporation Yuai Jujikaina, gayundin ang honorary president ng Japan Universal Sound Design Association, isang nonprofit na organisasyon na tumutulong sa mga taong may pagkawala ng pandinig. RNT