Japanese rocket, nasunog matapos mabigo sa pag- liftoff

Japanese rocket, nasunog matapos mabigo sa pag- liftoff

July 1, 2018 @ 2:32 PM 4 years ago


 

Tokyo, Japan- Nasunog ang isang rocket na gawa ng Japanese startup company ilang segundo matapos itong mabigong mag-liftoff kahapon sa northern Japan.

 

Ang MOMO-2 rocket na dinevelop ng Interstellar Technologies, ay ni-launch sa bayan ng Hokkaido sa Japan. Inaasahan itong makarating sa taas na 100 kilometers (62 miles) sa kalakawakan.

 

Makikita sa isang television footage ang 10-meter (33-foot) na pencil rocket ay umakyat lamang nakaunti mula sa launch pad bago ito tuluyang nahulog sa lupa at tsaka ito sumabog.

 

Wala namang naitalang nasugatan sa naganap na insidente.

 

Ayon naman kay Interstellar Technologies president Takahiro Inagawa, naniniwala siya na ang rocket ay nagkaroon ng glitch sa main engine nito.

 

Ito ang pangalawang beses na nabigo ang rocket namai-launch sa kalawakan, unang beses ay noong nakaraang taon. (Remate News Team)