Japanese semiconductor firms, nangakong mamumuhunan sa Pinas

Japanese semiconductor firms, nangakong mamumuhunan sa Pinas

February 9, 2023 @ 6:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nangako ang Japanese semiconductor companies na  magi-invest o mamumuhunan ng bilyong piso sa Pilipinas para makalikha ng mahigit sa 10,000 trabaho.

Nangyari ito sa ikalawang araw ng official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan.

Umaga ng araw ng Huwebes, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang roundtable meeting  na dinaluhan ng mga  top executives mula sa semiconductor and electronics firms ng Japan gaya ng Japan Aviation Electronics Industry, Ltd.; Yazaki Corporation; Yokowo Manufacturing of the Philippines; Sumitomo Electric Industries, Ltd.; Brother Industries, Ltd.; IBIDEN Co., Ltd.; Seiko Epson Corporation; NIDEC-SHIMPO Corporation; at TDK Corporation – nagnanais na palawakin ang kanilang operasyon sa PIlipinas.

“The total amount of investment commitments will be announced by the  President on February 10, 2023 during the signing of the letters of intent by the Japanese companies,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Inaasahan na ang investment pledges ay makalilikha ng higit pa sa  10,000 trabaho, nakikitang magpapalakas sa inisyatiba ng administrasyon na makalikha ng hanapbuhay para  sa mga  Filipino.

Sa naging pahayag ng Pangulo sa roundtable meeting, sinabi ng Punong Ehekutibo na hangad ng Pilipinas na maging  “hubs of excellence for sectors where we have a natural comparative advantage.”

“We want the country to attain the status as a regional hub for printers, wiring harnesses, and other electronic goods,” ayon sa Chief Executive.

Sa kabilang dako, makikita naman sa data ng  Philippine Statistics Authority na ang electronic products ay ang top export  ng Pilipinas na mayroong  total value na $42.49 billion noong 2021, kung saan itinuturing na 56.9% sa $74.65 billion export sales  ng bansa sa nasabing panahon.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos sa  Japanese semi-conductor firms na ang Pilipinas ay “consider[s] your operations significant.”

“You are a prime generator of jobs. You provide support for sectors critical to industrial development and you carry with you the promise to create value through innovation in global manufacturing around the world,” ang wika ng Pangulo.

Ipinagmalaki naman ng Pangulo ang  “base of engineers, strong workforce, entrenched network ng Japanese leading companies sa bansa  at  ang  “demonstrated history of success” sa information technology services sectors, na  “offers promise for future expansion.”

“With the automotive industry moving toward electric vehicles and autonomous driving and the printer industry facing challenges related to digitalization and automation, we hope to see you recruit our talented human resources in your R&D (research and development) activities,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sinabi ng PCO  na ang Pilipinas ay pang-apat sa “largest exporter ng wiring harness” sa buong mundo matapos ang Mexico, China, at Romania noong 2021.

“The country is also one of the lowest cost producers of wiring harness in the world, based on exported value and quantity,” dagdag na pahayag ng PCO sabay sabing “the trend has been building over a 20-year period where wiring harness exports from 2001 to 2021 grew at a steady pace of 9% per year. ” Kris Jose