Japeth, Thompson team captains ng PBA All-Star Game

Japeth, Thompson team captains ng PBA All-Star Game

February 17, 2023 @ 6:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magiging Team Japeth Aguilar laban sa Team Scottie Thompson ang gaganaping PBA All-Star Game sa Passi City, Iloilo.

Nanguna ang magkakampi sa Barangay Ginebra sa fan voting na nagsara noong Miyerkules, Pebrero 15, kung saan nakuha ni Aguilar ang No. 1 spot na may 1,239,665 na boto.

Samantala, pumangalawa si Thompson na may 1,217,226 na boto habang sila ni Aguilar ay nagsisilbing mga kapitan at nagkakaroon ng pagkakataon na bumuo ng kani-kanilang koponan mula sa natitirang bahagi ng 24-man field sa pamamagitan ng draft noong Lunes, Pebrero 20.

Magsisimula sa mid-season ang  pagdiriwang mula Marso 9 hanggang 12.

Dating top vote-getter, pumangatlo ang San Miguel star na si June Mar Fajardo na may 1,207,592 votes, habang sina Jamie Malonzo (1,196,423) at Christian Standhardinger (1,191,379) ay ang pang-apat na manlalaro ng Gin Kings na pumutok sa top five.

Kahit hindi nakalaro ng mahigit isang taon, ang beteranong Rain or Shine na si James Yap ay nasa ika-anim na may 1,190,624 na sinundan ng Ginebra’s LA Tenorio (1,189,717), Magnolia’s Calvin Abueva (1,188,589) at Mark Barroca (1,184,644), at Stanley Pringle (1,181,724) ng Ginebra.

Kukumpleto sa listahan sina CJ Perez, Paul Lee, Jayson Castro, Gian Mamuyac, Jeremiah Gray, Terrence Romeo, Robert Bolick, Marcio Lassiter, Arvin Tolentino, Roger Pogoy, Kevin Alas, Chris Newsome, Nards Pinto, at Mikey Williams.  Sina Mamuyac at Gray ang tanging rookies na nakapasok sa top 24.

Sa walong manlalaro ng Ginebra na nakakuha ng All-Star berths, ipinakita ng Gin Kings ang kanilang puwersa kung saan nanguna si Tim Cone sa mga coach na may botong 1,291,785.

Pamumunuan ni Cone ang mga laban kontra kay Elasto Painters head coach Yeng Guiao, na nakakuha ng 1,231,538 boto para sa ikalawang puwesto.

Si Gabe Norwood, Jeff Chan, Calvin Oftana, at Jio Jalalon ay pinangalanang All-Star reserves.

Sa Rookies-Sophomores-Juniors Game, unang tumapos ang Rain or Shine neophyte na si Shaun Ildefonso na may 1,190,719 boto na sinundan ni Oftana (1,190,448) at si Tyler Tio ng Phoenix (1,185,632).

Aaron Black (1,183,150), Justin Arana (1,182,979), Jerrick Ahanmisi (1,180,125), Matt Nieto (1,167,491), Mike Nieto (1,165,341), Jerrick Balanza (1,162,405), at Brandon, Rosser (1,159,661) na kukumpleto sa top 10.

Pasok din sina RK Ilagan, Allyn Bulanadi, Ato Ular, Isaac Go, Anton Asistio, Joshua Munzon, Aris Dionisio, Encho Serrano, Adrian Wong, at Javi Gomez de Liaño habang sina  Alec Stockton, Andrei Caracut, Aljun Melecio, at Kent Salado ay pinangalanang RSJ reserves.

_column width=”2/3″]

EDITOR'S PICK

TRENDING

[/vc_column][/vc_row]