Jared Leto, Angelica Panganiban, nagkausap sa IG live

Jared Leto, Angelica Panganiban, nagkausap sa IG live

March 25, 2020 @ 8:27 PM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na si Angelica Panganiban na makausap sa pamamagitan ng Instagram live ang Hollywood actor na si Jared Leto tungkol sa pagiging ligtas sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Naganap nitong Miyerkoles (local time), nang imbitahan ni Leto, sa pamamagitan ng Instagram Live, ang kanyang mga followers mula sa buong mundo na sumali at pag-usapan ang mga sitwasyong nararanasan na may kaugnayan sa COVID-19.

 

Isa si Panganiban sa mga nakausap ng aktor sa pamamagitan ng video chat, na napanood ng libo-libo niyang taga-sunod.

 

Matapos sabihin ni Angelica kung taga-saan ito, ipinaliwanag niya na nasa ilalim siya ng self-quarantine matapos mag-shoot ng pelikula sa Dubai.

 

Dahil dito, natanong ni Leto kung isa siyang aktres, kung saan sinagot naman ito ni Panganiban.

 

“I’m glad to hear you’re safe and sound and at home, and I hope everything’s okay for you guys back there,” ani Leto sa aktres. Remate News Team/MM

 

 


  •  
  •  
  •  

Loading...