Jasmine, may paliwanag sa pagkawala sa showbiz!

Jasmine, may paliwanag sa pagkawala sa showbiz!

August 29, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi ngayon aktibo sa showbiz si Jasmine Curtis-Smith dahil abala ito sa ipinatayong resort  sa La Union.

Bale business venture ito ni Jasmine kasama ang boyfriend na si Jeff  Ortega.

Tama naman na habang wala pa siyang ginagawang teleserye ay nakatutok siya sa pagnenegosyo at isa na nga itong ipinatayong resort.

Ang latest post ni Jasmine sa Instagram ay nasa Australia siya para magkabasyon. Pero bago umalis ay nagawa pa niyang i-promote ang huling teleserye niyang The World Between Us sa Amazon Freevee.

Nailabas ito sa GMA teleserye mula July 2021 hanggang January 2022 kung saan nakasama niya sina Alden Richards, Tom Rodriquez, Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.

“I`m  very excited  kasi, ‘yung mga nakapanood na nu’ng first  50 episodes namin  nu’ng  una siyang na-release, ngayon  they can finish the whole  series  and enjoy  it  until  the end  and binge-watch it  again. It will be the first  na Filipino language sa platform  na ‘yun,” pahayag pa ni Jasmine. Gerry Ocampo