Jason, pinasinungalingan ang pangangaliwa raw ni Moira!

Jason, pinasinungalingan ang pangangaliwa raw ni Moira!

April 18, 2022 @ 12:47 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng songwriter- singer na si Jason Hernandez ang ilang bagay surrounding his marriage to Moira dela Torre.

Naging palaisipan kasi sa mga netizens ang pagbura ni Moira ng mga larawan nilang mag- asawa sa Instagram.

Pati Tiktok videos ay burado rin.

Lalong umingay ang tsismis nang pumunta si Moira sa Singapore para magtanghal kasama si Mimiyuh.

Pero ang nakapagtataka, nakuha pang i-tag ni Moira si Jason while eating out in Singapore.

Nilinaw ni Jason na hindi totoong hiwalay na sila ni Moira.

Matindi kasi ang lumabas na dahilan sa likod ng breakup nila, nangaliwa raw si Moira.

But Jason was quick to debunk this angle. Never daw naging unfaithful ang misis.

Lalo rin daw walang nangyaring nakawan ng pera.

January 2019 noong magkaroon ng garden wedding sina Jason at Moira. Pero bago rito’y ikinasal sila sa huwes.

Sa isang banda, hindi masisisi ang mga netizens kung nag-isip man silang hiwalay ang mag-asawa.

A case in point ay ang couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na tinanggal rin ang kanilang mga photos together sa social mrdia, only to find out na may pinagdadaanan sila.

Ganito rin ang nangyari kina Carla Abellana at Tom Rodriguez bagama’t neither of them has confirmed their breakup. Ronnie Carrasco III