Jawo may sakit sa dugo

Jawo may sakit sa dugo

October 14, 2021 @ 8:17 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Humiling ng dasal sa publiko ang pamilya ni PBA Legend at dating senador Rober “Sonny” Jaworski para sa patuloy na paggaling nito sa dinaranas sa karamdaman.

Matatandaang noong isang taon ay dinapuan si Jawo ng pneumonia bunsod ng rare blood disorder disease na naging sanhi ng paglabas ng iba pa nitong mga sakit o kumplikasyon.

Isiniwalat kamakailan ng kanyang anak na si Robert “Dodot” Jaworski Jr, na nagkaroon ng rare blood disorder ang kanyang ama.

Pero ibinida naman nito na maganda ang lagay ng kanyang ama at tuloy tuloy na ang paggaling nito sa kabila na hindi 100 porsyento ang lakas nito.

Kumpiyansa rin ang manlalaro na maaaring ang sanhi ng pagsakit ng likod at tuhod ng kanyang ama ay ang paglalaro nito noon ng basketball.

Taning apela lang nito sa fans ay ang ipagpatuloy ang pagdarasal para malusutan ng ama ang dinaranas na problema.JC


  •  
  •  
  •