Jay-R, napagkamalang umbagero ng misis!

Jay-R, napagkamalang umbagero ng misis!

March 3, 2023 @ 4:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Sa programa ni Toni Gonzaga, ibinahagi ni Jay-R at ng misis niyang si Mica Javier kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Ani Jay-R, nagkakilala raw sila noon sa isang charity event ni Apl de ap kung saan isa siya sa featured performer.

Nilapitan daw siya ni Mica at binati sa pag-aakalang magkakilala sila lalo’t nasa circle of friends ng international rapper ang RnB singer.

Gayunpaman, aminado naman si Jay-R na tinamaan siya kay Mica.

Katunayan, natagalan pa raw ang panliligaw niya bago siya nito sinagot.

Naalala raw niya noon ang sinabi ng misis na huwag mai-inlove rito.

Naging hamon daw sa kanya ang pagpapakipot ni Mica kaya naman hindi niya ito sinukuan.

Hirit naman ni Mica, marami raw sa mga kaibigan niya ang nagdi-discourage sa kanya na makipagrelasyon kay Jay-R dahil sa mga balitang “umbagero” ito .

Ani Jay-R, tawa lang daw ang kanyang reaksyon nang ikuwento ito ni Mica.

Hindi rin daw niya nakuhang magsalita o magpaliwanag pa sa isyu lalo’t alam daw naman niya ang totoo.

Inamin naman niyang nawindang siya na may ganoon pala siyang imahe.

Hirit pa ng mag-asawa, nagkakaroon din daw sila ng mga hindi pagkakaunawaan tulad ng ibang showbiz couples pero nare-resolve raw naman nila ang individual differences sa pamamagitan ng pag-intindi sa isa’t-isa. Archie Liao