Jay-Z, Beyonce naglabas ng surprise album “Everything is Love”

Jay-Z, Beyonce naglabas ng surprise album “Everything is Love”

June 18, 2018 @ 9:50 AM 4 years ago


Los Angeles – Inilabas na sa publiko ng celebrity couple na sina Jay-Z at Beyonce ang kanilang joint album na tungkol sa pagkadismaya ng rapper tungkol sa Grammy Awards ngayong taon.

Ikinagulat ng mga fans ang biglaang paglabas ng album dahil wala itong prior notice.

Ang kanilang album na may title na “Everything Is Love” ay mayroong 9 tracks.

Isa sa mga kanta sa album makikita si Jay-Z na nagwawala sa Grammys.

Matatandaan na si Jay- Z ay na-nominate noong Grammy Awards noong February ngunit nabigong maiuwi ang tropeyo. Sinabi rin ng rapper na hindi niya tinaggap ang NFL Super Bowl halftime show dahil mas kailangan daw siya ng liga kaysa sa kailangan niya ito.

Samantala, nagkaroon naman ng appearance ang kanilang 6-year-old na anak sa dulo ng kantang “Boss” kung saan tinawag ni Beyonce kaniyang mga anak.

“Shout out to Rumi and Sir, love Blue,” she says

Asahan din sa album ang mas madalas na pagra-rap ni Beyonce kumpara sa mga nakaraang albums. (Remate News Team)