Jayson Castro, bumawi kagabi…umaming nanlata siya

Jayson Castro, bumawi kagabi…umaming nanlata siya

June 23, 2018 @ 9:47 AM 4 years ago


 

PBA – Mismong si Jayson Castro na ang umamin na nawala ito sa pokus nitong mga nakalipas niyang laro sa TNT KaTropa.

Tila naging kampante na kasi ang Kapampangan star guard sa pagdating ni import Joshua Smith dahil sa alam niya na magaling ito.

“Magmula nung dumating si Josh, parang masyado ako nag-relax. Parang naging kampante ako na anytime, pwede namin siya puntahan,” pag-aamin ni Castro.

Dahil dito pumalo lang sa 6.75 ang average ng laro nito para sa KaTropa at hinayaang pangunahan ni Smith at Terrence Romeo ang serye.

Pero matapos na ma-injure ang import na si Smith kahapon, hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa at pinakawalan ang 20 points, six rebounds, at three assists para makuha ng koponan ang 91-85 nitong panalo kontra Meralco.

“Na-realize ko lang na kailangan ko din maging aggressive para maging open si Josh. Nawawala rin kasi timing ko kaya sa start ng game, talagang hinanap ko yung mga dati kong ginagawa,” dagdag pa nito.

Dahil sa panalo ng koponan, napanatili ng TNT ang laban para sa Top 2 spot at twice-to-beat advantage para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup. (Remate News Team)