JBC, magpupulong para sa aplikasyon ng susunod na Chief Justice

JBC, magpupulong para sa aplikasyon ng susunod na Chief Justice

June 21, 2018 @ 7:07 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kasunod ng pinal na desisyon sa pagpapatalsik sa Punong Mahistrado, itinakda na sa Hunyo 25, araw ng Lunes ang pagpupulong ng Judicial and Bar Council (JBC) para pag-usapan ang pagbubukas ng aplikasyon para sa nabakanteng puwesto ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa pagpupulong , pag-uusapan ang paglalathala ng anunsyo para sa pagsusumite ng aplikasyon at nominasyon ng bagong Punong Mahistrado, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ex-officio member ng JBC, ang pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ang isa sa mahigpit na requirement ng JBC.

Ani JBC regular member Atty. Jose Mejia, magiging mahigpit sila sa pagtalima ng mga aplikante sa nasabing requirement dahil ito ang ugat kung bakit nasampahan ng quo warranto case si Sereno dahil kulang ang kanyang isinumite sa JBC. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)