JC, kinilabutan kay Cloe!

JC, kinilabutan kay Cloe!

July 20, 2022 @ 6:26 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sobrang kinilabutan ang magaling na aktor na si JC Santos sa co-star na si Cloe Barretto sa pelikulang Tahan.

Aniya, bilib daw siya sa galing na ipinakita ng aktres at dating Belladonnas member sa sexy thriller na kanilang pinagsamahan.

Hirit pa ni JC, matapang daw ang pagkakagawa ni Direk Bobby Bonifacio Jr. ng pelikula at hindi lilitaw ang brilyo ng obra kung hindi ganoon ka-intense si Cloe.

Aware rin siya na sa unang starring role sa pelikulang Silab ng katambal ay nagawa nitong pumutol ng ari.

Sa follow up movie naman nito, kumatay  naman ito ng mga lalake.

Kaya raw minsan, hindi maiaalis na kilabutan siya sa kung ano pa ang puwedeng gawin nito kapag in character.

Ani JC, nag-enjoy daw naman siya sa proseso ng paggawa ng pelikula kung saan ginagampanan niya ang role ng love interest ni Cloe.

Bukod kay Cloe, kasama rin sa cast ng pelikula sina Jaclyn Jose, Karl Medina, AJ Oteyza, Mac Cardona, Mercedes Cabral, EJ Salamante, Joseph San Jose at Stiff Banzon.

Ang Tahan ay iprinudyus nina Len Carillo at John Brian Diamante at mapapanood  na sa Vivamax simula sa Hulyo 22. Archie Liao