Jean Garcia, pinapangit ng GMA!

Jean Garcia, pinapangit ng GMA!

September 19, 2022 @ 10:11 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Maganda ang career ngayon ni Jean Garcia dahil makalipas ang mahabang pamamahinga sa pag-arte, sunod-sunod naman ang projects niya ngayon sa GMA 7.

Kasabay ng Lolong kasama si Jean sa latest GMA Afternoon Prime na Nakarehas na Puso.

“Nag-abot sa ere yung dalawang shows ko. So, sa gabi, kaiinisan nila ako as Donna Banzon in ‘Lolong’, then during the afternoon naman, maaawa sila sa akin sa role ko in ‘Nakarehas na Puso’ na tearjerker talaga,” kuwento ni Jean.

“Dito talagang may transformation kasi mabait na ina ako na ang hangad lang, mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak niya.

“Not only that, pinapangit ako rito. Nilagyan ng prosthetic make-up ang mukha ko. May malaking balat sa one half ng face ko at pati kilay at noo ko, binago. Tapos, nasunog pa ang mukha ko,” dagdag kwento pa ni Jean. Noel Asinas