Bicam report sa AFP fixed term law niratipikahan na ng Kongreso

March 23, 2023 @10:15 AM
Views: 8
MANILA, Philippines – Niratipikahan na ng Kongreso ang bicameral conference committee report sa panukalang naglalayong amyendahan ang batas sa fixed term sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang komite, na binubuo ng mga representative mula sa Senado at Kamara, ay nagsama-sama nitong Martes para bumuo ng bersyon na pagtutugmain ang mga pagkakaiba-iba ng Senate Bill No. 1849 at House Bill No, 6517.
Sa dalawang panukala, kapwa nito sinusuportahan ang mga pagbabago sa
Act Strengthening Professionalism and Promoting the Continuity of Policies and Modernization Initiatives in the AFP (Republic Act No. 11709).
Magkahiwalay na niratipikahan ng dalawang Kapulungan ang bicameral conference committee report nitong Miyerkules, Marso 22 at hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa panukala.
Ani Sen. Jinggoy Estrada, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, na pumayag silang gamitin na lamang ang Senate bill bilang working draft.
“After two days of floor debates in the Senate and more than four hours of grueling bicameral conference committee deliberations, we managed to come up with the best version of the amendments to RA 11709 to ensure that our AFP will be a dynamic and fully responsive organization, consistent with its constitutional mandate of being the protector of the people and the State, and securing the sovereignty of the State and the integrity of the national territory,” ani Estrada.
Tinukoy niya ang mga probisyon na napagkasunduan ng Senado at Kamara sa panukala:
• The AFP chief of staff will have a maximum tour of duty of three years unless sooner terminated by the president.
• The chiefs of the Philippine Army, Philippine Air Force, and Philippine Navy and the superintendent of the Philippine Military Academy will have a maximum tour of duty of two years unless sooner terminated by the president.
• All AFP commissioned officers and enlisted personnel will have a compulsory retirement age of 57 years old.
• There will be an increased maximum tenure-in-grade for those with the rank of brigadier general or commodore or higher from three to five years.
• There will be an increased maximum tenure-in-grade for those with the rank of colonel and captain from eight to 10 years.
• There will be an officer grade distribution based on the AFP table of organization with amendments to adjust the percentage for general or flag officers to 1.25% and for first lieutenant or lieutenant junior grade and second lieutenant and ensign to 45.75% — in line with the AFP modernization program.
“A new Section 6 was introduced to clarify the application of the proposed legislation. Specifically, the bill should also apply to the officers and enlisted personnel — appointed and/or promoted — under RA 11709,” ayon pa kay Estrada.
Matatandaan na noong Marso 6 ay pumasa sa huling pagbasa ang Senate version ng panukala.
Samantala, noon pang Disyembre naaprubahan ang counterpart bill nito sa Kamara. RNT/JGC
Pasok sa Cataingan, Masbate, suspendido sa bakbakan ng Army, NPA

March 23, 2023 @10:02 AM
Views: 10
MANILA, Philippines – Naglabas ng emergency memorandum order nitong Miyerkules, Marso 22, ang alkalde ng Cataingan, Masbate para suspendihin ang pasok sa mga paaralan sa nasabing bayan kasunod ng bakbakan sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army at mga militar.
Ang memorandum ay ibinigay ni Cataingan Mayor Felipe Cabataña, na siya ring chair ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDDRMC), “to all concerned school heads and Punong Barangay (Barangay chairmans) of the municipality.”
Saad sa memo na suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, “until further notice.”
Sa kabila nito, hindi naman kasama sa memo ang mga barangay ng Aguada, Concepcion, Curvada, Domorog, Gahit, Madamba, Malobago, Matayum, Mintac, Pawican, Poblacion, Quezon, San Pedro, Sta. Teresita, Sto. Niño at Tagboan.
Hindi naman ipinaliwanag sa memo kung bakit hindi kasama ang mga nabanggit na barangay.
“All school heads and barangay authorities are hereby advised to take all precautionary measures to prevent any untoward incident, particularly to the pupils, students, and civilians,” saad sa memorandum.
Matatandaan na Miyerkules ng umaga ay naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde habang isinasagawa ang flag-raising ceremony sa Placer, katabing bayan ng Cataingan.
Ani Bernadette Borbe, guro sa Locso-an Elementary School sa Barangay Locso-an, Placer, bandang 7:40 ng umaga ay kumukuha sila ng larawan para sa selebrasyon ng Women’s Month nang bigla na lamang may sumabog kasunod ng mga putok ng baril na narinig malapit sa paaralan.
“We were scared when we heard the explosion and gunfire. The teachers and other students ran inside the classroom. In every classroom, there were advisers and interns from Cataingan Municipal College to support the students who were crying out of fear,” ani Borbe.
Noong Lunes naman, Marso 21, nangyari rin ang sagupaan sa Barangay Villahermosa, Cawayan kung saan napatay dito si Corporal Antonio Parreño Jr. ng 2nd Infantry Batallion. RNT/JGC
Abalos sa mga barangay captain: Anti-drug program ng pamahalaan, talakayin

March 23, 2023 @9:49 AM
Views: 18
MANILA, Philippines – Hinimok ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga kapitan ng barangay na pag-usapan at imbitahan ang kanilang mga residente upang suportahan ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program ng pamahalaan.
Sa kaniyang speech sa Barangay Assembly Day noong Lunes, Marso 20, hinimok ni Abalos ang mga komunidad na maging BIDA advocates at sama-samang labanan ang illegal na droga.
“Gamitin natin ang makabuluhang pagtitipon na ito upang tulungan ang buong pamahalaan para mapababa ang demand sa iligal na droga at sisimulan natin yan sa ating mga pamayanan. Naniniwala ako na kaya nating gawin ito basta’t magtutulungan tayo,” aniya.
Ayon kay Abalos, magandang pagkakataon ang barangay assembly upang maabot ang mga residente sa komunidad at ipaliwanag ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, local governments, barangay at iba’t ibang sektor, maging ang publiko upang labanan ang illegal na droga sa pamamagitan ng BIDA program.
Aniya, ang estratehiya na ito ng programa ay holistic at nakatutok sa rehabilitasyon.
“Hiling natin na tulungan tayo ng ating mga kababayan hanggang sa mga barangay upang mas lumakas pa at maging epektibo ang ating kampanya sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa mga susunod na BIDA activities,” sinabi pa ni Abalos.
Ayon sa kanya, marami rin ang mga nakilahok sa matagumpay na paglulunsad ng BIDA Fun Run at Service Caravan noong Pebrero 27 sa Mall of Asia, Pasay City na dinaluhan ng 16,245 BIDA advocates habang nasa 10,000 partisipante naman ang nakilahok sa fun run sa Laguna.
Sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2023-032, inaabisuhan ni Abalos ang lahat ng mga alkalde at kapitan ng barangay na siguruhin ang pagdaraos ng Barangay Assembly Days, na obligado sa
ilalim ng Local Government Code and Proclamation No. 599-2018, tuwing Sabado o Linggo ng Marso at Oktubre. RNT/JGC
Sa kabila ng babala ng China, PBBM nanindigan sa karagdagang EDCA sites

March 23, 2023 @9:36 AM
Views: 21
MANILA, Philippines – Pinanindigan at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan nito ang Estados Unidos na magkampo ang tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito’y sa gitna ng naging babala ng China na ang pagpayag sa mas marami pang sites sa ilalim ng PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay makapagdudulot ng malubhang pinsala sa Pilipinas.
“There are four extra sites scattered around the Philippines. There are some in the north. There are some around Palawan. There are some further south,” ayon kay Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Philippine Army.
Hindi naman binanggit ng Pangulo ang mga bagong lokasyon subalit matatandaang noong 2014 ay pinayagan na ng EDCA ang Estados Unidos na pansamantalang magkampo ng tropa nito sa limang sites gaya ng Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro, Antonio Bautista Air Base sa Palawan at Benito Ebuen Air Base sa Cebu.
Winika naman ng Pangulo na malapit nang ianunsyo ng Pilipinas at Estados Unidos ang apat na bagong sites.
Binanggit din ng Chief Executive na ang karagdagang lokasyon para sa EDCA ay gagamitin “to defend our eastern coast.”
“That’s also something we have to look out for,” ayon sa Punong Ehekutibo sabay sabing kailangan din na protektahan ng bansa ang katubigan sa silangan ng bansa partikular na ang Benham Rise.
Aniya pa, ang lokal na pamahalaan na walang pagtutol at hayagan nang nagpahayag ng suporta sa posibilidad na magsilbing host sa mga tropang Amerikano.
“We explained to them why it was important that we have that and why it will actually be good for their province,” aniya pa rin. Kris Jose
Hannah, abangers sa reaksyon ni Sharon sa kanyang kanta!

March 23, 2023 @9:30 AM
Views: 25