Jeep, ginawang batakan ng droga

Jeep, ginawang batakan ng droga

July 28, 2018 @ 12:55 PM 5 years ago


San Juan City – Arestado ang isang tulak ng shabu kabilang ang tatlo niyang parokyano kinabilangan ng dalawang tsuper makaraang maaktuhan na nagpa-pot session sa loob ng jeep habang nakaparada Huwebes ng gabi sa San Juan City.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Juan Police Station sa pangunguna ni S/Insp. Edwin Malabanan ang tulak na nakilalang si Jinky Barquin, alyas Maria, 31-anyos, ng Bgy.Damayang Lagi, Quezon City

Una rito, nakatangap ng impormasyon ang SDEU na sangkot umano ang suspek sa pagtutulak ng droga sa San Juan bukod sa pagiging drug runner nito sa isang Barangay sa Lungsod Quezon.

Batay sa ulat, na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District Director, PS/Supt. Bernabe Balba, isang police poseour buyer ang nakipagtransaksyon sa suspek bandang alas-11:00 ng gabi sa Aurora Blvd kanto ng A. San Juan Street, Bgy. Salapan na nagresulta sa kanyang pag-aresto.

Habang inaaresto ang suspek, napansin ni Malabanan ang isang jeepney na naka-park sa isang madilim na lugar na kahina-hinala kung kaya’t nilapitan niya ito at nasaksihan ang tatlong katao kabilang ang isa pang babae na nagpa-pot session.

Dahil dito ay inaresto ng mga tauhan ng SDEU sina; alias Vicente, 29-anyos, driver ng jeep, ng Bgy. Salapan; alias Jesaly, 29-anyos, ng Taytay, Rizal at Bernard, 49-anyos, taxi driver ng Damayang Lagi, Quezon City.

Nakuha sa mga suspek ang apat na (4) heat sealed transparent sachet na naglalaman ng di natukoy na dami ng white crystalline substance ng pinaghihinalaang shabu at may markang pera na nagkakahalaga ng tatlong daang P300.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa San Juan Police Station Detencion Cell habang inihanda ang kasong paglabag sa RA 9165. (Toto Nabaja)