Jeep nahulog sa bangin; 3 patay, 5 sugatan

Jeep nahulog sa bangin; 3 patay, 5 sugatan

July 6, 2018 @ 12:53 PM 4 years ago


 

Zamboanga del Norte – Todas ang tatlong indibidwal kabilang ang magkapatid na high school student, habang limang iba pa ang nasa maselang kondisyon matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep sa bayan ng Katipunan, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Dead on the spot  ang mga biktimang  sina Jeann Quitoan, 13; at Ira Quitoan, 15, kapwa estudyante; at Wilhado Lumanda, 50, pawang mga residente ng Brgy. Seroan.

Habang ang limang pasahero ay isinugod sa ibat ibang ospital na may malalang mga sugat na tinamo bunsod ng malagim na trahedya.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO2 Joerich Ramos ng Katipunan police, dumausdos umano ang sasakyan ng mga biktima nang mapadako na ito sa matarik na bahagi ng national highway sa lugar.

Agad namang isinailalim sa kostudiya ng pulisya ang driver ng pampasaherong jeep na nahaharap ngayon sa patong patong na mga kaso. (Jeff Gallos)