Jeep pumasok sa ospital, 1 patay

Jeep pumasok sa ospital, 1 patay

January 8, 2023 @ 3:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagtuloy-tuloy ang isang pampasaherong jeep sa lobby ng isang Ospital sa Sta. Ana, Manila Linggo ng umaga, Enero 8.

Isa ang iniulat na nasawi sa naturang insidente na nakilalang si Noe Ocenar Abaigar na isang motorcycle rider.

Sugatan naman ang security guard na si SG Marvin Pelaez y Garcia.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng New Panaderos sa harapan ng Trinity Women and Children Hospital, Sta. Ana ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, tumilapon ang rider nang mahagip ng jeep bago ito magtuloy-tuloy sa lobby ng naturang ospital.

Hawak na ng pulisya ang driver ng jeep na si Ronaldo Fanis y Feria.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng jeep ang pakanlurang direksyon ng Phil St., Sta. Ana nang maplatan ng gulong at magpagewang-gewang dahilan para mawalan ito ng kontrol. Jocelyn Tabangcura-Domenden