Jeepney fare hike petitions reresolbahin ng LTFRB sa Setyembre

Jeepney fare hike petitions reresolbahin ng LTFRB sa Setyembre

August 29, 2022 @ 6:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang resolbahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare hike petitions na inihain ng jeepney operators sa gitna ng pagttas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Sinabi ni LTFRB chairperson Atty. Cheloy Garafil na posibleng ilabas ang kanilang desisyon kung magkano ang dagdag-pasahe pagsapit ng Setyembre.

“Dito sa fare hike petitions ng mga jeepneys, actually nandiyan na ang [National Economic and Development Authority] position. They’ve already submitted their position on it and we’re looking at their position paper na lang, at least we are waiting for their memorandum on September 3 and then we will act accordingly,” pahayag ni Garafil.

“So, we can expect, siguro ang rate hike resolution nila will happen at the earliest will be the first week of September or the latest by the second of week of September,” dagdag niya.

Nauna nang inanunsyo ng mga kompanya ng langis ang dagdag-presyo sa diesel at kerosene ng P6.10 kada litro habang ang gasolina ay magtataas ng 1.40 kada litro.

Epektibo ang mga pagbabago pagsapit ng alas-6 ng umaga sa Martes. RNT/SA