Jeepney operators may P5,000 fuel vouchers sa Hulyo – LTFRB

Jeepney operators may P5,000 fuel vouchers sa Hulyo – LTFRB

June 28, 2018 @ 4:06 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Aabot sa 179,000 jeepney operators ang makatatanggap ng P5,000 fuel vouchers sa unang linggo ng susunod na buwan para makaagapay sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Tinatayang nasa P977-million ang inilaan para sa fuel subsidy program ngayong taon na ipinangako ng pamahalaan na ipamamahagi, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Martin Delgra.

“These fuel vouchers would be given to qualified and legitimate PUJ franchise holders,” ani Delgra.

Sinabi ni Delgra na ang Landbank of the Philippines ang naatasang mag-distribute ng subsidiya sa operators sa pamamagitan ng ATM card.

Ngunit matatanggap ng jeepney operators ang subsidiya sa installment basis o P800 kada buwan sa susunod na 6 buwan. (Nats Taboy)