Jeffree Star inakusahang magnanakaw si Michelle Dy

Jeffree Star inakusahang magnanakaw si Michelle Dy

August 3, 2018 @ 3:46 PM 4 years ago


Naging maingay ang social media matapos na akusahan ni Youtube beauty expert Jeffree Star ang makup vlogger na si Michelle Dy na magnanakaw.

Inakusahan ni Star ang nasabing Youtuber ng paggaya di umano nito sa kanyang trademark phrase at wala umano itong originality.

Nag-comment si Star sa isang video ni Dy ng, “stealing my ‘Approved series and trademarked title is pathetic…but that’s what boring unoriginal people do.”

Dagdag pa ni Star ay abangan na lang daw ni Dy ang pagkausap sa kanya ng kanyang abogado dahil ang nasabing phrase ay copyright ng America.

Si Jeffree Star ay isang sikat na Youtube beauty guru. Kilala ang beauty icon sa pagbibigay ng review sa mga bagong labas na makeup products ng iba’t ibang brands sa mga video nito sa kanyang sariling Youtube channel.

Si Star ay kilala rin sa kanyang signature trademark na “Jeffree Star Approved”. Maraming subscribers at fans niya ang nagtitiwala sa mga reviews niya kung sulit bang bilin ang mga beauty products.

Agad namang binura ni Michelle Dy ang nasabing video at pormal at direktang humingi ng tawad kay Star sa kanyang twitter post. (Remate News Team / Janelle Sicat)