Jela Cuenca, na-two time ng ex!

Jela Cuenca, na-two time ng ex!

August 31, 2022 @ 7:40 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Tungkol sa limang babaeng tinuhog o pinagsabay ng isang guwapong chick magnet at businessman ang kuwento ng bagong sexy comedy na 5-in-1 na pinagbibidahan ng Vivamax sex siren na si Jela Cuenca.

Ani Jela, nakaka-relate daw siya sa kanyang role at sa tema ng pelikula dahil sa tunay na buhay ay tinutaym na siya o kinaliwa ng kanyang ex.

Gayunpaman, naka-move on na raw siya sa ginawang panloloko sa kanya ng dating boyfie.

Paniwala rin kasi niya na hindi na binibigyan ng ikalawang pagkakataon ang isang ex lalo na’t minsan nang na-betray ang kanyang trust.

Ngayon daw, mas gusto niyang magpokus sa kanyang trabaho kesa lovelife.

Never din daw niyang na-experience na ma-manyak dahil hindi raw naman siya iyong tipo ng taong mahilig lumabas ng bahay.

Sa 5-in 1, ginagampanan ni Jela ang papel ni Lana Rose, isa sa mga babaeng nakarelasyon ni Dick na binibigyang buhay ni Wilbert Ross, na kailangang patunayan na siya ang ‘the one,’

na karapat-dapat na magmana sa naiwang coffee business ng namayapang ex.

Palabas na sa Setyembre 23 sa Vivamax, tampok din sa pelikula sina Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Angela Morena, Ava Mendez, Pio Balbuena at Giselle Sanchez.

Ito ay mula sa direksyon ng multi-genre director na si GB Sampedro. Archie Liao