Jennylyn, tinawag na ‘mermaid’ si Baby Dylan!

Jennylyn, tinawag na ‘mermaid’ si Baby Dylan!

November 29, 2022 @ 10:39 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Pitong buwan na si Dylan!

Si Dylan ay anak ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Ipinagmalaki ng Kapuso actress sa kanyang Instagram account nitong November 25 ang litrato nilang mag-ina.

Kuha ‘yon sa swimming pool kung saan maingat na hawak-hawak ni Jennylyn ang anak.

Nakasuot ng swimsuit si Dylan na tinernuhan ng kulay orange na wide-brimmed hat at orange sunglasses. Tinawag ito ni Jen ng “my little mermaid.”

Isa si Marian Rivera who posted: “Hello inaanak!”

Nag-reply naman ang kumareng si Jen on Dylan’s behalf: “Hi ninang!”

It was in April this year when Jennylyn gave birth to Dylan.

She and Dennis each have a child from their previous relationship.

Matatandaang na-pack up ang taping ni Jen ng Love. Die. Repeat. na pagsasamahan dapat nila ni Xian Lim.

Nagkaroon ng pagdurugo o clotting si Jen who was already pregnant that time, dahilan para sunduin siya ng ambulansya sa set.

Meanwhile, abala si Dennis sa kanyang historical portal na Maria Clara at Ibarra kasama sina Barbie Forteza at Julie Ann San Jose. Ronnie Carrasco III