Jerald at Kim, bet nang gumawa ng baby!

Jerald at Kim, bet nang gumawa ng baby!

March 11, 2023 @ 5:04 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Aba, mukhang handa nang magka-baby ang reel and real life partners na sina Jerald Napoles at Kim Molina. FYI, pagkatapos ng walong taong relationship bilang mag-jowa ay noong pandemic lang sila nag-live in. Bago pa sila nagsama ay nag-iisa lang si Kim at si Jerald ay kasama ang kanyang ina.

Kaya nang nag-live in ang dalawa, kasama ni Jerald ang ina.

Dahil ‘di na sila bumabata, iniisip na nina Kim at Jerald na bumuo ng sariling pamilya. ‘Yung may sariling anak na kasama sa bahay.

Sa bagong show ng nina Jerald at Kim, ang Team A na ipapalabas sa TV 5, simula sa March 18, Saturday, 9:30 pm, mag-asawa ang kanilang role na may isang anak na babae. Kaya biro ng dalawa: “Nagkatotoo na may anak kami. Malaki na agad!”

Kasama rin sa cast sina Anjo Yllana at Yayo Aguila bilang mag-balae na nagbabangayan. Kasama rin ang child star na si Gianna Aguiron sa direksyon ni Mervyn B. Brondial. Noel Asinas