Jeremy Renner, naaksidente, kritikal!

Jeremy Renner, naaksidente, kritikal!

January 3, 2023 @ 8:01 AM 1 month ago


Hollywood, USA – “Critical but stable.”

‘Yan daw ang status ng kalagayan ng Hollywood aktor na si Jeremy Renner matapos maaksidente.

Ayon sa report ay nag-aalis siya ng makapal na snow nang bigla na lang siyang nasangkot sa “weather-related accident”.

Si Jeremy ay kilala sa kaniyang role bilang si Hawkeye sa ilang Marvel movies.

Sinabi pa sa report sa Agence France-Presse na nagkaroon ng injuries ang aktor, “after experiencing a weather-related accident while plowing snow earlier today.”

Hindi pa malinaw ang buong detalye sa nangyaring aksidente at kung saan ito nangyari.

“His family is with him and he is receiving excellent care,” dagdag pa ng kanyang spokesperson.

May nagsabi na may property daw si Jeremy sa Mt. Rose-Ski Tahoe, na ‘di kalayuan sa Reno, Nevada, na kabilang sa mga lugar na matinding tinamaan ng winter storm.

Recently ay nag-post pa ang aktor sa social media ng weather conditions sa Lake Tahoe, na nasa border ng California at Nevada.

Nag-tweet din si Jeremy  ng pics na makikitang natabunan ng makapal na snow ang isang sasakyan na may caption na, “Lake Tahoe snowfall is no joke.”

Kung matatandaan last 2012, nasa Pinas sina Jeremy at ang aktres na si Rachel Weisz para sa shooting ng “The Bourne Legacy.”

Si Jeremy ay 51 years old na. Joey Sarmiento