Jeric at Rabiya, may chance magkabalikan!

Jeric at Rabiya, may chance magkabalikan!

October 17, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – As early as elementary hanggang magkolehiyo ay miyembro ng varsity team si Jeric Gonzales.

Self-confessed addict daw siya sa basketball.

In particular, nakaposisyon siya bilang guard o taga-block.

Dahil isang contact game ang basketball, aminado ang Kapuso actor na hindi maiiwasang magkabalyahan.

Pero hanggang doon pa lang ang nararanasan niya lalo’t pag nagiging intense ang laro.

Aniya, “Ayokong mabangasan ng mukha.”

It was when he got into showbiz that Jeric hardly found time to play basketball. Naging abala raw kasi siya.

Lalo pa’t tila mas may time pa siyang maisingit ang kanyang lovelife sa naging nobyang si Rabiya Mateo.

But that’s water under the bridge. Pero ano nga ba ang dahilan sa likod ng kanilang breakup?

“Siguro, magkaiba lang kami ng priorities,” aniya.

Naikuwento nga ni Jeric ang muli nilang pagkikita ni Rabiya. He recently guested on Tiktok clock with Yasmien Kurdi to promote Start -Up.

Ang inakala ni Jeric na awkward moment upon seeing his ex-girlfriend turned out pretty well.

Nag-holding hands pa nga raw sila sa katutukso ng mga hosts nitong sina Kim Atienza at Pokwang.

Asked if he sees any chance na magkabalikan sila ni Rabiya, bitin pero makahulugan ang naging tugon ni Jeric: “May chance…may chance.” Ronnie Carrasco III