Jeric, bantay-sarado kay Rabiya, nasasakal na!

Jeric, bantay-sarado kay Rabiya, nasasakal na!

February 27, 2023 @ 6:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Inihahalintulad si Rabiya Mateo sa isang taong napakahigpit ang pagkakahawak sa buhangin.

The tighter a person holds a lump of sand in his hand ay humuhulagpos ito, whereas kung hindi hinihigpitan ang hawak sa buhangin ay mananatili ito sa palad.

Ang nobyo niyang si Jeric Gonzales ang buhangin sa palad ni Rabiya na labis niyang hinihigpitan ng hawak.

Balitang sa tuwing dumadalaw raw si Jeric sa bahay ni Rabiya ay ayaw na siyang pauwiin ng nobya.

Paano nga naman daw kung may trabaho si Jeric kinabukasan?

Nakalimutan din daw ba ni Rabiya na siya mismo ay may trabaho rin?

Bukod sa pagiging overly clingy ni Rabiya, napupulaan din ito sa pangingialam ng cellphone ni Jeric para itsek kung sino ang ka-text nito o tinatawagan.

Hindi raw ba aware si Rabiya na personal na gamit na ang cellphone?

Kahit daw mag-asawa pa sila, walang karapatan si Rabiya na mangialam ng personal belonging ni Jeric.

Mabuti na lang daw at maunawain at pasensyoso si Jeric sa wala na sa lugar na ugaling pinaiiral ng nobya.

Dahil dito, hindi raw dapat paniwalaan ang pahayag ni Rabiya sa interview sa Fast Talk na pareho lang daw silang seloso ni Jeric.

Obyus daw kasi na mas seloso si Rabiya kesa sa kasintahan.

Samantala, mabuti na raw at hindi na sinagot ni Rabiya ang paratang ng umano’y kapatid ng dating nobyong si Neil Salvacion.

Ayon kasi sa nagpakilalang Nhel Skie na isang ICU nurse, hindi totoong ni-reject ni Rabiya ang alok na kasal ni Neil.

Sa katunayan daw, suot pa nga ni Rabiya ang kanyang engagement ring hanggang sa lumaban sa Miss Universe noong 2020.

Ani Nhel patungkol kay Rabiya sa kanyang post: “I’s either you answer the question truthfully or spill the tea with a fib.”

Pitong taon ding magnobyo sina Rabiya at Neil.

Pagnanais na makamit ang pangarap sa kanyang pamilya ang dahilan ni Rabiya kung bakit siya nagpasyang kumalas sa nobyo. Ronnie Carrasco III