Jeric, doble-ingat na ma-link sa beki!

Jeric, doble-ingat na ma-link sa beki!

November 29, 2022 @ 11:11 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Jeric Gonzales has all the more reason never to get himself involved in gay issues again.

Matatandaang nasangkot si Jeric sa isang anonymous  gay kung saan may kuha pa silang litrato which made social media rounds.

Dahil nga rito kaya napabalitang tinawag ng pamunuan ng GMA ang kanyang atensyon.

Nakakaapekto nga naman ‘yon sa imahe ng aktor.

Ngayon, mas lalong may dahilan para mag- ingat na si Jeric na muling makaladkad sa mga ganoong isyu.

Why?

Jeric’s star continues to shine brighter dahil pagkatapos ng Start-Up which ends this December ay may followup project na agad siya.

Sa mga hindi nakakaalam, mismong ang male lead star sa Pinoy adaptation ng nasabing Koreanovela na si Alden Richards ang nagrekomenda kay Jeric to be part of the cast.

In fairness, hindi naman napahiya si Alden as Jeric is able to deliver what’s expected of him in the series.

At bilang followup project ni Jeric, nagsimula na siyang mag-training sa aabangang action-adventure ng GMA na Urduja Jewels.

In the lead cast are Kylie Padilla and Gabbi Garcia.

Nakakaintriga lang ang casting nito dahil makakasama ni Kylie ang bayaw niyang si Vin Abrenica.

Vin is the younger brother of Aljur na dating karelasyon ni Kylie.

Anyway, Urduja Jewels is the next biggest break to have landed on Jeric’s lap.

Huwag n’yo nang hanapin ang dating nobya niyang si Rabiya Mateo sa cast.

Hindi na muna siya ang “jewel” sa buhay ni Jeric, ganoon ‘yon! Ronnie Carrasco III