HOROSCOPE JULY 1, 2022

July 1, 2022 @7:00 AM
Views:
26
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Maglaan ng panahon sa iyong kaanak na nasa malayong lugar. Kinasasabikan ka kasi nilang makita. Magdala na rin ng pasalubong. Magdadala ito sa iyo ng suwerte dahil pag-uusapan dito ang parte ng lupang napagbentahan sa bawat kaanak.
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Maging handa sa isang pagsubok na darating sa iyo. Pero, light lang naman. Kasi, kapag papasok ka na sa work, saka naman uulan. Pero, ‘wag kang magdadala ng payong. Sumbrero lang saka ekstrang medyas. Uutusan ka ng boss mo na iyo namang ikatutuwa.
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Iwasan ang mabubutong pagkain pati na rin ang maaalat. Nasobrahan ka na kasi kaya ka namamanas. Panahon na rin upang ilagak mo ang naipon mo sa isang savings account mo na magpundar ng negosyo. Ipagkatiwala ito sa malapit na kaanak o sa pinakamatalik na kaibigan. Tiyak itong lalago at aasenso.
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Kapos ka ngayong araw pero may paparating naman na biyaya. Ang salaping nahahawakan mo kahit maliit man ay matagal maubos at tila nadaragdagan pa. Sipagan pa at pagtiyagaan ang mumunting kabuhayang nasa iyo. Sapagkat hindi ka naman kukulangin sa araw-araw at ‘di ka pababayaan ng nasa Itaas.
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag damdamin ang iyong nararamdaman. Relaks ka lang dahil lilipas din ‘yan. Magiging masaya ka sa susunod na araw dahil sa biyayang paparating. Iwasan din ang sobrang pagpapakapagod at magpaghinga kapag inaantok. Matulog ka sa tanghali after ng lunch para tumangkad ka.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Maraming pagbabago sa iyong buhay ang magdudulot sa iyo ng kasiyahan. Iwasan ang mga tsismosa at mga mahilig makipagtalo dahil sasakit lang ang bulsa at ulo mo sa kanila. Huwag kang papayag na gawin nilang hideout ang haybol mo para roon magtsismisan at ikaw pa ang magpapameryenda. Sa ibang bahay na lang kako.
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Iwas-iwasan ding mag-iinom ng kape. Grabe ka naman kasi kung uminom, mga 5 baso kada araw. Kaya ka nagiging makalilimutin. May dadaluhan ding pulong na kung saan ay itatanyag ka ng isang kaibigan. Kung aalukin ka niyang mag-uwi ng pagkain, mag-uwi ka para may pasalubong ka sa iyong pamilya.
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Nang dahil sa donut, makokompromiso ka ng iyong boss na ligawan ang kanyang inaanak. Alam niya kasi ang trip mong pagkain. Pumayag ka tutal single ka naman at may trabaho. Saka mayaman naman ‘yung babae. Huwag kang mag-alala, hindi naman pahuhuli ang hitsura nu’n. Panalo ka na ru’n.
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Sa hindi inaasahan, mahuhulog ang loob mo sa isang taong iyong kinaiinisan. Pero, na-miss mo noong hindi mo na ito nakikita. Iwasan din munang magpautang sa isang taong alam mong may pera naman. Pero, ayaw galawin. Tiyak kasi na hindi ka agad nito mababayaran.
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Maraming magandang pagkakataon ang darating sa iyo ngayon. Ilang bisita rin ang darating na magiging dahilan ng iyong kaabalahan sa gawaing bahay at sa paghahanda ng makakain nila. Huwag mag-aalala, may dala naman silang pagkain na iluluto mo. ‘Yung ipabibili pang iba, otomatikong sa iyo na ang sukli.
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May pampamilyang okasyon din na idaraos sa linggong ito. May nagbabalik bayan kasi. Ikaw ang magiging tampuhan ng tukso at biruan. Pero, relaks ka lang, ikaw ang kukubra ng alat sa pustahan. Tanggapin mo na lang lahat ng pang-aalaska tutal magkakapera ka naman.
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Maaaring mapikon ka sa biro at puna ng iyong kaibigan. Pero, huwag itong seryosohin. Hinuhuli ka lang niya kung gusto mo ang tindera ng balut na malapit sa inyong opisina. Gayunman, papabor ang ilang proyekto sa tulong ng kaibigan mong ito na mahilig mang-alaska.
Kris, Joshua at Bimby, tinamaan ng COVID-19!

June 30, 2022 @7:50 PM
Views:
79
USA – Hindi nakaligtas si Kris Aquino sa virus na COVID-19 dahil siya na rin ang nagsabi na tinamaan siya ng nakamamatay na sakit pati na rin ang kanyang dalawang anak, sina Joshua at Bimby.
Sinabi ni Kris sa kanyang socmed account na kasalukuyan siyang nasa USA at nagpapagamot sa kanyang auto-immune condition.
“I had to do this corticosteroid challenge which unfortunately caused me to have unbelievable body pain (yes even worse than my bone marrow aspiration when we found out I’m allergic to all forms of opioids),” sabi niya.
June 5 ‘yun nang binigyan si Kris ng first dose of her medicine.
“I now understand Noy why you chose to keep your illness to yourself… my realization came because I do feel peace & since no info will be coming from me after this post – I’m closing 1 area of stress that I really don’t want nor welcome. BUT I do want to express my heartfelt gratitude for all who have prayed for me to get better,” dagdag ni Kris.
Normal naman daw ang mga kidneys at liver ni Kris at wala naman siyang cancer genes, ngunit nahaharap pa rin siya sa “multiple autoimmune syndrome.”
Binanggit na rin ni Kris sa kanyang lengthy note na tinamaan siya ng COVID-19 at ang kanyang mga anak.
“Kuya Josh tested positive for Covid on June 20 – nurse took his temperature then they got antigen kits, tested him 1st because he was so unlike himself – he was just lying down, on the sofa no energy to play or watch YouTube on his phone.
“I was in our room upstairs asleep. Nurse woke me up to tell me that kuya was positive. I honestly couldn’t understand what she was trying to tell me. Until Bimb came to explain & he told me to please put on a mask. He helped me go downstairs, my instinct was to go & hug kuya but everyone told me I needed to leave immediately & move to a hotel with nurse & Bimb because I was severely immune compromised & being covid positive could mean ICU for me.”
Sinabi rin ni Kris na nalungkot siya nang iniwan niya si Joshua hanggang sa nalaman niya na siya rin ay COVID-19 positive.
“By the 23rd mid-morning i asked Nurse Eloi to please check my temperature because I had chills & something was off. True enough I had fever. I said to please get the antigen test kit – nurse Eloi tried to remain calm but in less than 5 mins both red lines had appeared. Kuya was already at the same hotel so I told them to please take Bimb.
“I was exhausted & fell asleep. When I woke up & asked how was Bimb, Anne said for almost 7 hours he had just been asleep, mother’s instinct kicked in. I said please do an antigen test on him… true enough less than 12 hours after me, Bimb was also Covid positive,” sabi ni Kris.
Sa gitna ng pinagdadaanan ni Kris ay gusto niya ng privacy.
“But unlike you who was never active on social media, I need to say goodbye properly because so many have reached out to me, prayed for me & my sons and regardless of their political affiliation they have prayed for me to get better.
“During very difficult times, I want to just keep the suffering to myself with only family & trusted friends kept informed on a ‘need to know basis’ because everyone else is also going through their own personal trials – ang hirap ng buhay para sa marami, nakakahiyang maging pabigat pa ko.
“I know me, impossible na hindi ako umamin pag hirap na hirap na – so for now FOCUS tayo on ourselves… we all have problems, we all have worries, and we all have hardships.”
Awww. Get well soon Kris and family. Joey Sarmiento
Glydel, takot kumain!

June 30, 2022 @7:40 PM
Views:
69
Manila, Philippines – Aminado si Glydel Mercado na meron siyang eating disorder.
Paglilinaw niya, hindi naman daw siya mapili o picky eater.
Pero ‘pag nasa set, hindi niya makuhang kainin ang sine-serve na pagkain.
Ito ang dahilan kung bakit may mga baon siyang de lata o canned goods.
This is the same reason why she lost weight.
Ang dati niyang timbang na 110 kilos ay 90 na lang daw ngayon.
But she has managed to increase it by four pounds.
Still, hindi pa raw sapat ang weight gain na ‘yon.
Feeling ni Glydel, naapektuhan ang kanyang eating habits dala na rin ng lock-in taping.
Hindi raw kasi niya kasama ang asawang si Tonton Gutierrez at dalawang anak sa oras ng pagkain.
Baligtad nga raw ang nangyari sa kanya.
While most celebrities resort to diet regimen to keep themselves fit, siya nama’y kailangang kumain nang kumain to achieve her desired weight.
Sa ngayon, she has developed fear of food.
Payo sa kanya, magpatingin as it might lead to anorexia nervosa. Ronnie Carrasco III
Paris Hilton, napa-comment sa OOTD ni Kylie!

June 30, 2022 @7:30 PM
Views:
69
Manila, Philippines- Imagine receiving a comment from a person you are following or idolizing all your life. Just imagine!
Kung para sa karamihan hanggang imagination lang, naku, for Kylie Versoza, it’s a dream come true na!
Napa-comment lang naman ang international celebrity na si Paris Hilton sa OOTD post ni Kylie where you can see her wearing a Bratz doll-inspired fit featuring a butterfly top and a mini skirt crochet terno!
“Where is this outfit from?” Paris commented with smiling face with heart eyes emoji and a butterfly!
Hindi lang si Kylie kundi ang buong Instagram world ay mind blown sa comment na ‘to.
Kylie even took a screenshot of the said comment where she tagged Paris at pabirong sinagot ang tanong nito ng, “Wait lang @parishilton”.
Well, this is just a proof that the beauty queen turned sexy actress is really a fashion icon to the point na pati ang hinahangaan ng halos lahat ng tao all over the world ay napatanong tungkol sa outfit nito.
Kylie, more kikay outfits please! wink* Paula Jonabelle Ignacio
Rochelle, beastmode, inokray ang feeling sikat na aktres!

June 30, 2022 @7:20 PM
Views:
78