Jeric, nag-throwback sa pinag-awayan nila ni Rabiya!

Jeric, nag-throwback sa pinag-awayan nila ni Rabiya!

October 19, 2022 @ 6:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa interview ni Jeric Gonzales sa Pep.ph, tinanong siya kung ano ba ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Rabiya Mateo. Ang sabi niya, “Ang pinaghiwalayan namin, siguro misunderstanding lang. Siguro ‘yung priorities naming pareho sa work, sa career, sa life.”

Wala naman daw third party sa paghihiwalay nila ng dating beauty queen.

“Wala naman. Kaya naghiwalay kami nang maayos and hindi kami bitter sa isa’t isa. Kaya pag nagkikita kami, hindi kami nag-iiwasan, hindi awkward.”

May chance naman daw na magkabalikan pa sila ni Rabiya.

Siguro, alam niya na sa kabila ng hiwalay na nga sila ni Rabiya ay mahal pa rin siya nito. Kaya kung susubukan niyang makipagbalikan sa dalaga ay tatanggapin siya nitong muli.

Well, tingnan nga natin. Pero sa pagkakaalam namin ay may isang taong malapit kay Jeric na ayaw na nitong makipagbalikan ang aktor sa beauty queen turned TV host/actress. Rommel Placente