Jeric Raval, ibinuking na senior citizen na!

Jeric Raval, ibinuking na senior citizen na!

October 20, 2022 @ 6:23 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Kung marunong kang mangilatis ng edad ng tao, tiyak na makukumbinsi ka ngang 45 anyos lang si Jeric Raval.

Base na rin ito sa kanyang hitsura na hindi tumatanda.

Sumikat ang Kapampangang actor noong dekada nobenta sa bakuran ng OctoArts Films.

At kung 45 siya ngayon, do the math. How old was he back then?

Pero maniniwala ba kayo na kung ano ang edad niya noon ay screen age lang?

At present–believe it or not–sisenta’y uno na si Jeric!

Pinatunayan ito mismo ng isa sa mga anak niya, si Drizzy Ace.

“Matanda na po siya. Maalaga lang siya sa katawan kaya mukha siyang bata,” kumpirmasyon nito.

Ano nga ba ang sikreto sa likod ng youthful look ng action atar?

Simple lang.

No yosi, no alak, no puyat.

Bukod daw dito’y hindi kumakain ng karne si Jeric kaya all these years ay maikukumpara siya sa bampira who never ages.

Pero may isa namang nagsabi na hindi 61 years old si Jeric kundi 51 lang.

But just the same, mukha pa rin siyang bagets! Ronnie Carrasco III