Jeric sa isyung buntis si AJ: Mabuti, at least hindi pala siya baog!

Jeric sa isyung buntis si AJ: Mabuti, at least hindi pala siya baog!

August 4, 2022 @ 8:55 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – The moment daw na kumalat ang tsikang buntis ang anak na si AJ ay tinawagan ito ng amang si Jeric Raval.

More or less ay ganito ang takbo ng kanilang phone convo…

Jeric: Bats (tawag niya sa anak) Nasaan ka?

AJ: Nasa Angeles (Pampanga), nagsu- shooting.

Jeric: Ano ‘tong balitang buntis ka?

AJ: Hindi totoo…

Jeric: Bakit ‘di mo sagutin?

AJ: Nakakapagod na…

Samakatuwid, ang gist ng kuwento: hindi naniniwala si Jeric na  buntis ang anak.

Dahil kung buntis man daw ito sa nobyong si Aljur Abrenica, at least ay hindi baog ang anak.

“Kung buntis, eh ‘di mabuti, at least hindi pala siya baog. At saka ewan ko, bakit ginagawa nilang problema ‘yun kapag ang tao buntis,” pabirong sabi ni Jeric.

“‘Pag buntis eh ‘di manganak. Ang masama ‘yung nabuntis ka, kabuwanan mo na hindi ka pa makapanganak, problema ‘yun,” dagdag pa niya.

Sa huli ay pinabulaanan pa rin ni Jeric na buntis ang anak.

‘Yun daw ba ang buntis, eh, nagsu- shooting?

Ang malinaw, kinumpronta raw niya si Aljur.

Bilin ni Jeric kay Aljur na ayusin nito ang buhay niya’t ilagay ang lahat sa lugar.

Baka ang tinutukoy ni Jeric ay ayusin muna ni Aljur ang sa kanila ni Kylie Padilla na maaaring gumawa ng legal na hakbang sa ginawa ng dating karelasyon.

Bukod dito’y ayaw ni Jeric na lumabas na disgrasyada ang anak. Ronnie Carrasco III