Jeron Teng, ready-to-shoot na ulit!

Jeron Teng, ready-to-shoot na ulit!

July 6, 2018 @ 1:50 PM 5 years ago


PBA – Balik-court na si Alaska rookie Jeron Teng matapos ang natamo niyang injury sa stabbing incident isang buwan na ang nakararaan.

Ibinalik ng Alaska si Teng sa active roster list bago ang 4:30 p.m match sa Astrodome kontra sa Phoenix para palitan ang kapwa freshman na si Davon Potts na nailipat sa injured/reserve list.

“We just reactivated him. Will see if he can play or not,” ayon kay Alaska coach Alex Compton nang tanungin kung makapaglalaro ba si Teng sa laban ng koponan kontra Fuel Masters.

Ito ang unang laro ng 24-year-old player matapos ang nangyaring gulo sa BGC parking lot kung saan siya nagtamo ng mga sugat kasama ang dalawa pa nitong dating team mate sa La Salle na sina Norbert Torres at Thomas Torres na nagtamo rin ng mga saksak sa katawan.

Bukod kay Teng, nagkaroon din ng comeback si import Diamon Simpson na siyang hahalili muna kay Antonio Campbell para sa final game ng koponan sa eliminations. (Remate News Team)