Jessi, todo-pasalamat sa Pinoy fans!

Jessi, todo-pasalamat sa Pinoy fans!

October 3, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ipinaabot ni Jessi, Korean-American singer-songwriter, ang pasasalamat nito sa Pinoy fans dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya sa recent show nito sa Pinas.

“Despite my health problems and all the extreme challenges I’ve faced, my fans are the driving force to keep me pushing forward…

“I may have cried and fallen several times, but it was MY FANS that helped me get back up,” she wrote in an Instagram post kasama ang clips na kuha sa kanyang concert.

Sa interview nito (TV Patrol), ibinahagi ng singer na nagkakaroon siya nang maliliit na concerts pero itong ginanap sa Pilipinas ang pinakamalaki kaya naman sobrang thankful talaga siya.

“This is my first [solo] concert in general like a real concert, like I’ve had small concerts but this is a big concert. I didn’t think that my first concert would be in the Philippines,” said Jessi.

Ito rin ang unang pagkakataon na binisita niya ang bansa kaya naman hindi niya talaga malilimutan ang experience.

Mukhang mawiwili ang singer na mag-concert sa bansa dahil sa bonggang suporta ng Pinoy fans.

Congrats, Jessi! Paula Jonabelle Ignacio