Jessie J, nakunan, itinuloy ang concert!

Jessie J, nakunan, itinuloy ang concert!

November 25, 2021 @ 6:15 PM 3 days ago


California, USA – “I’m still in shock, the sadness is overwhelming… It’s the loneliest feeling in the world!”

‘Yan ang mistulang panaghoy ng British superstar na si Jessie J nu’ng ipabatid sa kanya ng mga doktor na wala nang heartbeat ang sanggol na nasa sinapupunan n’ya.

Isiniwalat n’ya sa kanyang Instagram ang heartbreaking na pagkalaglag ng sanggol nu’ng Miyerkules ng umaga sa Amerika. Nakatakda siyang mag-concert sa gabi sa Los Angeles, California at buong-giting n’yang ibinabalita na itutuloy n’ya ang pagtatanghal sa gitna ng kanyang pagdadalamhati.

“But I know I am strong, and I know I will be ok,” Jessie J wrote on Instagram

Thirty-three years old na si Jessie na sumikat sa buong mundo sampung taon na ang nakalipas dahil sa kanta n’yang “Price Tag.” Napakahalaga sa kanya ang pagdadalantao dahil nangyari daw ‘yon “on her own.”

Ayaw n’yang ipabatid sa mundo kung nagdalantao siya sa likas na paraan o sa laboratoryo sa tulong ng siyensya at teknolohiya.

Pahayag pa ng singer-songwriter na batchmate ni Adele sa isang music school sa London: “This morning, I feel like I have no control of my emotions. I may regret posting this. I may not. I actually don’t know. What I do know is that I want to sing tonight. Not because I’m avoiding the grief or the process, but because I know singing tonight will help me.

“I have done 2 shows in 2 years and my soul needs it. Even more today. I know some people will be thinking she should just cancel it. But in this moment I have clarity on one thing. I started singing when I was young for joy, to fill my soul and self love therapy, that hasn’t ever changed and I have to process this my way.”

Pagtatapos n’ya sa kanyang Instagram: “To get pregnant was a miracle in itself and an experience I will never forget and I know I will have again. I’m still in shock, the sadness is overwhelming. But I know I am strong, and I know I will be ok.

“I also know millions of women all over the world have felt this pain and way worse. I feel connected to those of you I know and those of you I don’t. It’s the loneliest feeling in the world.” Danny Vibas