Jessy at Luis, may pinagdaraanan?

Jessy at Luis, may pinagdaraanan?

November 15, 2022 @ 12:45 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Marami ang napa-isip sa kung ano nga ba ang pinagdadaanan ng soon-to-be mom at actress na si Jessy Mendiola at asawa nitong si Luis Manzano.

May cryptic post kasi ang actress sa Instagram tungkol sa mga taong kailangang ilayo sa asawa, pagprotekta sa pamilya mula sa panganib, at paglabas ng tunay na kulay ng isang tao.

Duda ng netizens, may naninira kaya sa pamilya  nila?

Sa kasalukuyan, wala pa namang pahayag si Luis patungkol dito. Paula Jonabelle Ignacio