Jessy at Luis, may visiting rules kay Baby Peanut!

Jessy at Luis, may visiting rules kay Baby Peanut!

November 29, 2022 @ 8:08 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Hindi pa man ay may itinakda nang reglamento si Jessy Mendiola sa pagbisita kay Baby Peanut pag isinilang niya ito.

Tiyak naman kasing dadagsain ang anak nila ni Luis Manzano ng mga bisita nilang kapwa rin celebrities.

Curious siyempre ang mga ito na makita how the newborn baby looks at kung anong features nito ang namana sa kanyang mga magulang.

But this early, Jessy has set certain policies to ensure the baby’s safety.

If possible daw ay hindi muna sila tatanggap ni Luis ng mga bisita sa few months from the time of Jessy’s delivery.

Tulad ng alam ng marami, hindi pa tapos ang kalbaryo natin dulot ng COVID-19.

Posible nga raw i-require ng celebrity couple na sumailalim muna sa antigen test ang kanilang mga visitors before they are allowed to take a glimpse of Baby Peanut.

Pabirong banat naman ni Luis, bukod daw sa antigen test, the result of which should be negative ay ire-require din nilang magpakita ng ID, police clearance, NBI clearance and other identification cards ang mga dadalaw sa baby.

Katwiran naman ni Jessy to justify her protocol, mahina pa nga raw naman ang immune system ng sanggol.

For sure, a lot of people will see this as OA.

But the couple doesn’t mind, if not couldn’t care less. Kaligtasan na nga naman ng kanilang supling ang pinag-uusapan dito.

Luis and Jessy believe that any parent will do the same.

Kayo, what’s your take on this? OA o dapat lang? Ronnie Carrasco III