Jessy, binara ang netizen sa isyu ng pagbubuntis, Luis, nadamay!

Jessy, binara ang netizen sa isyu ng pagbubuntis, Luis, nadamay!

January 19, 2022 @ 10:11 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Barado kay Jessy Mendiola ang isang netizen na nagsabing, “Paano ka magkaka-baby niyan if you always exercise?”

Sagot ni Jessy, “So kung nag-e-exercise hindi magkaka-baby?”

Dinumog kasi nang iba’t-ibang comments from netizens ang fit pictures ni Jessy lalo na ang latest photo nito working out in Baguio.

Pero kung siya ay nakatanggap ng negative comments, hindi rin nakalampas si Luis Manzano dahil ibinalik naman ng ibang tao sa host/actor ang sisi.

“Bakit, ‘yung asawa ba may kakayanan makabuntis?”

Pag-kwestiyon ng ilan kay Luis.

Naku, hirap na mag-post ngayon, ah. Daming assumptions. Lol. Paula Jonabelle Ignacio