Jessy, diretsong tinanong si Luis sa isyung kabaklaan!

Jessy, diretsong tinanong si Luis sa isyung kabaklaan!

July 11, 2021 @ 4:27 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Good vibes ang hatid ng respective vlogs ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

May pagkaseryoso o sensitibo man ang topic, the fact that they’re having fun ay masarap silang panoorin.

Sa latest vlog ni Jessy, umikot ang kanilang usapan with her firing questions at Luis.

Pinamagatang Questions I’ve Never Asked My Husband ang tema niyon.

‘Ika nga, may progression ang pagtatanong ni Jessy dahil sa bandang dulo niya itinodo ang gusto niyang marinig mula mismo sa bibig ni Luis. Here’s how the convo went:

Jessy: Nahu-hurt ka pa ba pag tinatawag kang bakla?

Luis: No, not at all. I can even joke about it.

Jessy: Pero bakla ka ba talaga?

Luis. Ikaw ang sasagot sa tanong mo. Ikaw ang sumagot sa tanong mo.

(Oo nga naman, si Jessy ang makakapagpatunay. Kaso, nag-blush ito, wari’y na-embarrass)

Jessy: (halatang umiiwas) Next question. Ayaw sumagot. Ronnie Carrasco III