Jessy, inakalang manyakis si Luis!

Jessy, inakalang manyakis si Luis!

September 7, 2021 @ 3:35 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dati nang natanong ni Jessy Mendiola ang kanyang mister na si Luis Manzano ng mga bagay na hindi pa niya nauurirat sa hubby sa kanyang vlog.

Sa Lucky TV channel naman ni Luis,  nabaligtad ang sitwasyon.

Nagkaroon ng pagkakataon ang TV host-actor na tanungin naman ng personal questions ang kanyang asawang si Jessy.

Sumentro ang kanilang usapan sa “Things I’ve Never Asked My Wifey.”

Isa sa mga natanong ni Luis sa misis ay kung ano ang ugali niya na ikinatu-turn off ni Jessy.

Sey ni Jessy, turn off daw siya sa pag-ihi ni Luis sa shower at maging sa swimming pool nila.

Aminado naman si Luis na umiihi talaga siya kahit pa naka-scuba diving suit siya.

Sa tanong naman kung ano ang first impression niya kay Luis noong hindi pa niya ito kilala, walang kagatul-gatol naman siyang sinagot ni Jessy, na feeling niya ay manyakis ito.

Madalas daw kasi noon ay in the company of girls si Luis kaya napagkakamalan niyang chick boy ito.

Pero as time goes by, nagkamali raw naman pala siya sa pagkakilala sa hubby.

Sa question naman kung sino sa palagay niya ang boyfie nito ngayon kung sakaling hindi sila nagkatuluyan, sey ni Jessy, wala raw siyang nakikitang iba lalo pa’t isa pa lang daw naman ang naging nobyo niya before Luis.

Kung meron man daw siyang medyo ka-close, ito raw ay si Derek Ramsay pero hindi pa rin daw niya ma-imagine na magiging sila kung sakali.

Isa rin sa bagay na nakapagpa-realize sa kanya kung gaano siya kamahal ni Luis ay ang pagpapahiram umano ng mister ng kanyang paboritong unan na ginagamit ng anak ng Star for All Seasons since he was three years old.

Biniro rin ni Luis ang misis na kung Monday, Wednesday at Friday daw ay feeling niya ay mister siya ng aktres, pagdating daw naman ng Tuesday, Thursday at Saturday ay karne siya na pinapapak ng misis.

Sa mga nang-uurot daw naman sa kanyang mga kakilala kung mapapatotohanan ni Jessy na gifted o jumbo ang ‘hotdog’ ng TV host-actor, natawa na lang ang vlogger-actress sa pasakalye ni Luis. Archie Liao


  •  
  •  
  •